Maaari nang magtakda ng tricycle lanes ang mga lokal na sanggunian ng bayan sa ilalim ng House Bill 2118.
Ito ay base sa inihaing panukalang batas ni Camarines Norte Representative Rosemarie Panotes, kasabay ng pagpapaliwanag hinggil sa mga hamon na kinakaharap ng mga tricycle driver.
Ayon sa mambabatas, ito ay dahil naglalaan pa ng “extra effort” ang mga tricycle para makahanap ng road lane kung saan sila maaaring dumaan na nagdudulat ng aksidente o di kaya’y nakakaapekto sa daloy ng trapiko.
Sakaling maging ganap na batas, naniniwala si Panotes na maiibsan ang pagkakaroon ng mga road accident at maisusulong ang disiplina sa mga tsuper hindi lang ng tricycle kundi pati sa iba pang sasakyan. —sa panulat ni Hannah Oledan