Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng NBI clearance at iba pang dokumento na kinakailangan sa paghahanap ng trabaho ng mga bagong graduate.
Layon ng Senate Bill 1629 na mapadali ang proseso upang maibsan ang hirap sa paghahanap ng trabaho ng mga fresh graduates.
Bukod sa NBI clearance, nakasaad sa panukala na kabilang sa mga dokumentong libreng makukuha ng mga fresh graduate para sa kanilang pag-aaply ng trabaho ay ang barangay clearance, medical certificate mula sa mga pampublikong ospital, birth at marriage certificate, Tax Identification Number, Unified Multi Purpose ID Card at iba pang ID na iniisyu ng gobyerno.