Sang-ayon si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa hakbang ng ilang senador na magpasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa UP Charter Act of 2008.
Nakasaad sa panukalang ito na mabigyan din ng karapatan o pagkakataon na makapasok ang police at military units sa loob ng UP campuses bastat kailangan lamang na bigyang abiso ang pamunuan ng unibersidad.
Ayon kay Roque, isang reasonable legislative proposal ang isinusulong na ito sa senado dahil narin sa usapin ng pagpapawalang bisa ng 1989 UP-DND accord.
Gayunman, ipinauubaya na aniya ng Malakanyang sa wisdom ng Kongreso ang pagpapasa ng nasabing panukala na may kaugnayan sa isyu ng national policy. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)