Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga “whistleblowers”.
Ayon kay Agusan Del Norte Representative Lawrence Fortun, matapos ang isyu ng ninja cops ay ito na ang tamang panahon para maipasa ang naturang panukalang batas.
Aniya, simula noong 15th Congress ay isinusulong na na magkaroon ng proteksyon ang mga whistleblowers ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naaprubahan.
Giit pa ng kongresista, oras na maisabatas ito ay mas mahihikayat ang mga mamamayan na tumestigo laban sa mga korap at tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Sa ilalim ng naturang panukala, bibigyan ng absolute confidentiality at taga-bantay ang whistleblower na nagsisilbing proteksyon sa mga posibleng gumanti sa kaniya.