Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na layong madagdagan ang sweldo ng mga guro.
Isinusulong ng House Bill Number 195 ang Across the Board Salary Increase at iba pang benepisyo para sa mga pampublikong guro upang mahikayat ang mga highly qualified na magtrabaho sa mga pampublikong eskwelahan.
Sa panukala ng pangunahing may-akda na si Deputy House Speaker Congressman Miro Quimbo, layong dagdagan ng 15 Libong Piso ang buwanang sweldo ang lahat ng mga pampublikong guro anuman ang kanilang employment status ngunit ayon dapat sa merit selection and promotion ng Department of Education.
Bukod dito, planong i-exempt sa Income Tax sa loob ng isang taon ang mga bagong hired na guro.
Kabilang din sa panukala ang paglikha ng Pension Fund ng mga gurong 15 taon nang nasa serbisyo.
By: Avee Devierte