Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas na maglilibre sa buwis para sa honoria at allowance ng mga poll worker.
Sa botong 202, inaprubahan ang House bill 9652 na mag-a-amyenda sa National Internal Revenue code of 1997.
Layunin ng bill na kilalanin ang mga magseserbisyo sa halalan.
Saklaw ng nabanggit na panukala ang honoraria, travel allowance at iba pang benepisyo.—sa panulat ni Drew Nacino