Pinangangambahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mapagsamantalahan lamang ng mga komunistang rebelde ang panukalang batas na magpaparusa sa sinasabing “red-tagging”.
Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy, sa ilalim ng nasabing panukala, maaaring patawan ng karamptang parusa ang mga nagre-red tag o nag-akusa sa ilang indibidwal ng tangkang destabilisasyon laban sa pamahalaan.
Ani Badoy, pwedeng samantalahin ito ng mga komunistang rebelde para Busalan o patahimikin ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels.
Una rito, inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang isang panukalang batas na magbibigay ng depinisyon o pakahulugan sa red-tagging at magtatakda dito bilang isang criminal activity.