Inihain ni Senador Mark Villar ang panukalang batas para itaas ang Personal Economic Relief Allowance (PERA) ng mga government employees sa P4-K mula sa P2-K.
Batay sa Senate Bill (SB) no. 1378 o ang Act Providing an Increase and an Automatic Adjustment Mechanism in the Personnel Economic Relief Allowance (PERA) Granted to Government Employees.
Ayon kay Villar, layunin nitong itaas ang tulong pinansyal para sa mga empleyado ng pamahalaan upang mapunan ang dagdag na gastusin sa pagtaas ng mga presyo ng produkto.
Noong 2009 itinaas ang pera mula P500 sa P2000 sa pamamagitan ng Joint Resolution ng Senado at mababang kapulungan.
Sinabi pa ni Villar na saklaw ng panukala ang Civilian Government Personnel sa local at national level, halal man o appointed, kasama ang mga nasa regular, contractual o casual positions. —sa panulat ni Hannah Oledan