Umusad na sa Kongreso ang panukalang batas na magtatatag ng dalawang ahensya ng gobyerno na tutugon sa global health crisis tulad ng COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang isumite ng House appropriations panel sa plenaryo ang bill na lilikha ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) at Virology Science and Technology Institute.
Batay sa panukala, binanggit na ang pagtatayo ng dalawang ahensya ay makatutulong sakaling magkaroon muli ng pandemya sa hinaharap.