Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na layong tulungan ang mga nakakulong na indibidwal na mayroong inaalagaan anak.
Nakasaad sa House Bill 8153 ang pagpapatupad ng mga hakbang na makatutulong sa mga magulang na nasa piitan kasama ang kanilang anak partikular na sa mga solo parents.
Mahalaga anilang matutukan pa rin ang pangangailangan ng kanilang mga anak lalo na habang sila ay bata pa.
Isa kasi umano sa mga dahilan kung bakit nasisira ang kinabukasan ng maraming bata ay dahil napipilitan silang iwanan ng kanilang mga magulang bunsod ng pagkakakulong.
Isa sa mga inihalimbawa rito ang naging sitwasyon ng anak ni Reina Mae Nasino at Amanda Echanis na nailayo sa kanilang mga magulang habang nangangailangan pa ng aruga ng isang ina.