Umusad na sa Kongreso ang panukalang batas na layong pagkalooban ng night shift differential pay ang mga empleyado ng pamahalaan, kabilang ang mga government-owned or-controlled corporations o GOCCs.
Ito’y makaraang lumusot sa House Committee on Appropriations ang House Bill 5727 na magdaragdag ng differential pay na hindi hihigit sa 20 porsiyento ng basic rate kada oras ng isang kawani.
Sa ilalim ng bill, nilinaw na hindi lahat makikinabang dito dahil para lamang ito sa mga empleyado ng gobyerno na nagtatrabaho sa gabi.