Ibabasura ng Senado ang panukalang batas mula sa Kamara na nagpapababa sa minimum age of criminal responsibility.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice, sa halip na siyam na taong gulang ay isusulong ng Senado ang labindalawang taong gulang.
Paliwanag ni Gordon masyadong musmos ang siyam na taong kumpara sa dose anyos na nakakaintindi na umano ng tama at mali.
Samantala, nakatakda namang magpatawag muli si Gordon ng pagdinig sa Biyernes upang magawan na ng committee report na ihaharap niya sa Lunes.