Pinamamadali ni Congressman Ronnie Ong ang pag-apruba sa panukala niyang vaccination passport law.
Ito ayon kay Ong ay para maiwasang maharang ang mga Pilipinong lalabas ng bansa tulad nang sinapit ng ilang OFW pa Hongkong na hindi kinilala ang dala nilang locally issued vaccination cards.
Binigyang diin ni Ong na maayos sanang makakapasok ng Hongkong ang mga OFW kung naging mas pro active lamang ang gobyerno sa paggawa ng isang national vaccination database at national vaccination card.
Hindi aniya masisisi ang Hongkong sa hindi pagkilala sa vaccination cards ng in-bound OFWs dahil wala talagang paraan para i-verify ang authenticity ng mga dokumento.
Sinabi pa ni Ong na napepeke na ang RT-PCR COVID-19 swab test result kaya’t malaki ang posibilidad na mapeke rin ang vaccination cards.