Inihain na ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang panukalang batas na layuning ipagpaliban ang barangay elections sa Oktubre 23.
Ito’y bilang suporta sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng mga officer-in-charge sa halip na magsagawa ng eleksyon dahil halos apatnapung (40) porsyento ng mga barangay official ay sangkot sa illegal drugs.
Nakasaad sa House Bill 5359 ni Barbers ang pagtanggal sa puwesto ng mga kasalukuyang barangay official upang magbigay-daan sa mga itatalagang OIC ng Pangulo.
Sa halip ay isinulong ng kongresista na itakda na lamang sa Mayo 2020 ang nasabing halalan.
By Drew Nacino | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)