Muling inihain ni Sen. Ronald dela Rosa ang kanyang panukalang batas na layong patawan ng parusang bitay ang mga big-time drug traffickers at plunderers habang tatlo pang senador ang maghahain naman ng hiwalay na bersiyon.
Ayon kay dela Rosa, nilimitahan niya sa mga high-level drug traffickers ang itinulak niyang bill upang hindi ito ikonsidera bilang anti-poor.
Matatandaan na 11 death penalty bills ang inihain ng siyam na senador noong 18th Congress ngunit kahit isa sa mga ito walang natalakay ang Committee on Justice and Human Rights ni dating Sen. Richard Gordon.
Sa kabilang banda, isiniwalat naman ni presumptive Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi prayoridad ng Marcos administration ang parusang kamatayan.