Lusot na sa ikalawang pagbasa ng senado ang mga panukalang batas na magbibigay ng 25-year franchise sa Maynilad at Manila Water.
Inisponsoran ang House Bills 9422 at 9423 ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe.
Sa ilalim ng mga panukalang batas, magpapatuloy ang Maynilad sa pagseserbisyo sa west zone service area ng Metro Manila at Cavite habang ang Manila Water sa East Zone ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
Una nang inihayag ni Poe na inaasahan nilang pag-iigihin ng dalawang water concessionaires ang kanilang serbisyo sa mga customer.
Obligasyon anya ng mga ito na maghanap ng alternatibong pagkukunan ng tubig kapag may service interruption.
Samantala, inihirit naman ni Senador Pia Cayetano ang pag-aatas sa Maynilad at Manila water na magsumite sa Metropolitan waterworks and sewerage system ng completion plan para sa pagtatayo ng water, sewerage at sanitation projects hanggang taong 2037.—sa panulat ni Drew Nacino