Hinimok ng isang transport group ang mga bagong-halal na mambabatas na isulong ang panukalang batas na maglalaan ng 10% ng bahagi ng public transport consumers tax para sa mga PUV Operator at driver.
Ito’y bilang suporta sa transport modernization program at pamilya ng mga operator at tsuper.
Sa liham sa mga incoming senator at congressmen ng liga ng transportasyon at operators sa Pilipinas o LTOP, ipinunto nitong kabilang ang transportation sector sa primary contributor ng government revenues.
Sa pamamagitan anila ito ng buwis mula sa basic transport commodities.
Iginiit ng LTOP na wala pa ring katiyakang makatatanggap ng financial assistance sa ilalim ng transport modernization program, ang mga operator na walang kakayahang bumili ng bago at modernized jeepneys kapalit ng mga luma nilang PUV units.
Kabilang din sa proposal ay dapat mapunta ang 50% ng pondo sa PUV modernization program, at ang nalalabing kalahati ay dapat ilaan para sa transport infrastructure.