Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bibigyan ng pansin ng Kamara ang pagpasa ng mga hakbangin na tutugon sa mga pangunahing isyu katulad ng usapin sa pamilya.
Sinabi ni Alvarez na kailangan tutukan ng Kamara ang usapin hinggil sa ‘broken marriages‘ sa pamamagitan ng isang panukalang batas na magbibigay daan sa ‘dissolution of marriage’ na hindi na kailangan ang mahabang proseso.
Ipinabatid ni Alvarez na maghahain siya ng panukalang batas para kilalanin at protektahan ang ‘civil union’, kabilang ang same sex union.
Ikalawang regular na sesyon ng Kamara naging produktibo
Naging produktibo ang Kongreso sa pagbubukas ng 2nd regular session ngayong linggo.
Ito’y matapos na pagtibayin ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang ilan sa mga prayoridad na panukalang batas.
Kinabibilangan ito ng House Bill No. 5707 o ang Rightsizing Program ng pamahalaan; House Bill No. 5685 o Magna Carta for Filipino Seafarers; at House Bill No. 5682 o paglalagay ng cooperative officer sa mga munisipyo at bayan sa bansa.
Pinagtibay din ng Kamara ang House Bill No. 5686 na naglalayong ideklara ang Hulyo 27 taun-taon bilang non-working holiday bilang paggunita sa anibersaryo ng Iglesia ni Kristo, at House Bill No. 5687 na layong ideklara ang Enero 23 ng bawa’t taon bilang non-working holiday sa Bulacan bilang paggunita sa inagurasyon ng unang republika.
- Meann Tanbio