Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas para sa manual-automation election sa bansa.
Sa inihaing House Bill 86344 ng Makabayan Bloc iginiit ng mga miyembro nito na ang naturang hakbang ay para agarang solusyunan ang sari-saring problema sa automated elections sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang kakulangan sa transparency at accountability sa buong proseso nito, lalo na anila sa mismong proseso ng halalan.
Giit ng Makabayan Bloc, ang kawalan ng transparency ang malinaw na dahilan kung bakit mahirap maresolba ang patuloy na pag-arangkada ng electoral fraud.
Kung kaya’y nais ng mga ito na magkaruon ng manual voting sa mga presinto sa bansa, basta’t pananatilihin anila ang mabilis na pagbibilang sa tulong ng automation canvassing process.