Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magpapalawig sa pagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga babaeng empleyado.
Sa ilalim ng House Bill 4479, ipinagbabawal ang hindi pagtanggap ng babaeng empleyado lalo na kung buntis at mayroong buwanang-dalaw o menstruation.
Nakasaad din sa bill na hindi dapat gawing batayan ang kasarian dahil dapat pantay ang sahod, benepisyo at promosyon sa mga empleyadong babae.
Ang sinumang lalabag na employer ay pagmumultahin ng 50,000 hanggang 200,000 pesos at makukulong ng isa hanggang dalawang taon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla