Inihain sa kamara ang panukalang batas na magpapalakas ng kapasidad ng bansa pagdating sa mga banta ng Chemical, Biological, Radiological at Nuclear (CBRN) material weapon.
Ayon kay Deputy Speaker Mikee Romero, naghain ng house bill 4458, layon nito na mapanatili at maprotektahan ang kaligtasan ng susunod pang henerasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng estratehiya na magpapatatag sa bansa laban sa CBRN.
Giit ni Romero, isa itong pandaigdigang problema kaya’t dapat itong sineseryoso at pinaghahandaan.
Nakasaad sa panukala na ang CBRN materials ay tinukoy bilang karaniwang ginagamit ng mga terorista o kriminal na may hangaring maghasik ng kaguluhan sa isang lugar.