Isinulong ng Comelec ang bagong batas na magli-limita sa pangangampanya sa social media.
Ito ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ay kasunod nang inaasahan nilang paggamit ng mga kandidato sa social media para makapangampanya sa gitna na rin ng pandemya.
Sinabi ni Jimenez na tanging ang mamo-monitor nila ay ang paggastos ng mga kandidato sa pagpoproduce ng advertisements at pagbo-boost ng kanilang social media posts.
Maliban dito aniya wala na silang natukoy na limitasyon sa paggamit ng mga naturang platforms taliwas sa telebisyon na mayroong bilang ng minuto na maaaring malampasan.
Ang campaign period para sa mga tumatakbo sa national post ay mula February 8, 2022 hanggang May 7 samantalang March 25 hanggang May 7 para sa local positions.