Isinusulong ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang panukalang batas na magtatakda ng priority seats para sa mga nakatatanda sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Sa Senate Bill 1367 na mag-aamyenda sa Expanded Senior Citizens Act, sakop ang mga pampasaherong jeep, bus, tren, barko, at eroplano.
Sinabi ni Poe na sa kabila ng reserved seats para sa mga nakatatanda sa mga sasakyang panlupa, walang batas para sa priority seats sa mga barko at eroplano.
Kailangan din aniyang malapit sa pintuan ng sasakyan ang mga itatakdang priority seats.
Sa ilalim ng panukalang batas, dapat na bakantehin ng sinumang pasahero ang priority seat kapag may matandang nakatayo.
Pagmumultahin ng P5,000.00 at ikukulong ng hanggang dalawang buwan ang sinumang lalabag.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno