Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang dalawang pinagsamang panukalang batas para sa tax amnesty.
Layon ng House Bill 4814 o ang Estate Tax Amnesty Law at House Bill 4815 na gawing simple ang estate tax rates at amyendahan ang section 84 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Kabuuang 216 na Kongresista ang bumoto pabor sa mga naturang panukalang batas habang walang tumutol dito.
Sakaling lumusot, masasaklaw ng tax amnesty ang mga estate tax noong mga nakaraang taon hanggang noong 2016.
Samantala, layon din ng House Bill 4815 na mabawasan ang kasalukuyang estate tax rates at matiyak ang patas na pangongolekta ng buwis.
By: Jelbert Perdez