Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang motor vehicle road user’s tax.
Sa botong 239 na pumabor, limang hindi sumang-ayon habang isa ang abstain, naaprubahan ang house bill 6136.
Layon ng panukalang batas na madagdagan ang binabayarang buwis depende sa gross vehicle weight ng mga sasakyan.
Inaasahang makakalikom ng P210-B ang pamahalaan kapag ito ay tuluyan nang naging batas.
Ilalaan ang malaking bahagi ng kikitain sa public utility vehicle (PUV) modernization program.