Lusot na sa senado ang panukalang batas ukol sa paglikha ng network ng bicycle lanes at ng network din ng slow streets.
Ito’y ang Senate Bill 1582 o panukalang safe pathways law na isinulong ng bike enthusiast na si Senator Pia Cayetano.
Sa ilalim nito, lilikha ng network ng pansamantala at permanenteng bike lanes para sa gumagamit ng bisikleta, skates, skateboards, electric bike at electric scooter .
Lilikha din ng slow streets para sa mga pedestrian o naglalakad at non-motorized vehicles.
Minsan ay papayagan ang mga motor vehicle sa slow streets pero mayroong speed limit.
Ipalilikha rin ang mga pop up bike lanes patungo sa mga health facilities.
Gagawin ito ng ng mga LGU na inaatasan na makipag-ugnayan at komunsulta sa DOTr at DPWH gayundin sa MMDA para sa national roads. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 9)