Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang panukalang batas na naglalayong patawan ng parusa ang pamamato ng sasakyan.
Batay sa House Bill 7163 ni Ilocos Norte First District Rep. Rodolfo Fariñas, magiging krimen na ang paghahagis ng bato, bakal, bote o anumang matitigas na maaaring ikasira ng sasakyan o magdulot pinsala at pagkamatay ng sinumang sakay nito.
Sakaling lumusot ito, mapapatawan ng 25 taong pagkakakulong ang lalabag at multa na aabot sa 100,000 pesos, maliban sa pananagutang sibil, lalo na kung may namatay na tao.