Ipinagtanggol ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang panukalang batas kontra sa mga nuisance candidate o ‘panggulo’ sa gitna ng pagtutol ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon.
Nilinaw ni Gatchalian na hindi naman paparusahan ang mga ‘panggulo’ sa ilalim ng kanyang Senate Bill 911.
Malinaw na multa lang na 50,000 pesos ang ipapataw. It’s very clear na di tayo maglalagay ng dagdag na qualifications. ‘Yung proseso pareho pa rin, lahat puwedeng magfile, ang Comelec i-eevaluate pa rin, ang dagdag lang multa kapag nadeclare kang nuisance candidate. Sa Omnibus election code nakadefine na ‘yan, ‘yung definition ng nuisance candidate na ginagamit na ngayon ng Comelec para idisqualify ang mga taong tingin nila ay binababoy ang election process.
Bagaman iginagalang ng senador ang opinyon ni Guanzon, dapat aniyang mapag-tanto ng komisyon na mahabang oras ang kanilang ginugugol sa pagsasala ng mga kandidato.
Every election process gaya nito, balikan natin ang 2016, ‘yung 130 candidates ang Comelec iisa-isahin yan, pag-aaralan nilang mabuti, i-checheck ang background. ‘Yung proseso eh katakut-takot na oras ang gagawin ng mga abogado ng Comelec tapos aakyat pa sa en banc pag-uusapan nila ito so imbis na pag-usapan nila ang mahahalagang problema, nauubos ang oras nila para kay Lucifer at Jesus Christ.
Ipinunto ni Gatchalian na malaking tulong sa electoral process kung mababawasan o kung maaari ay matanggal na ang mga nuisance candidate na kadalasang sanhi ng kalituhan ng mga botante.
Nakausap ko rin si dating Comm. Goyo Larrazabal ang sabi niya alam niyo ang dami ngayong habitual candidate. Every election na lang sila sila ang nagpa-file dahil alam nila makakakuha sila media attention. Tuwing election process ang sinasabi natin sa mga botante natin pumili ng magagaling. Pero kung itong mga taong ito ay paulit-ulit na nagpa-file at ang kanilang mga adbokasiya ay kalokohan lang tulad ng four seasons at ang tawag nila sa sarili nila ay Lucifer talagang binababoy nila ang proseso sa eleksyon.