Lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Sa ilalim ng House Bill 6933 pumapalo sa P162-billion ang inilaang pondo para sa mga probisyon ng panukala na epektibo hanggang sa Disyembre.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa P140-billion na pondong inilagay ng senado sa bersyon nito ng Bayanihan 2.
Target ng bayanihan 2 na tugunan ang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic pagdating sa socio economic well-being ng lahat ng mga pilipino sa pamamagitan nang pagbibigay ng ayuda, subsidy at iba pang socio economic relief.
Layon din ng panukala na mapaigting ang pag test, trace, isolate at treat sa COVID-19 cases para matugunan ang economic cost at losses dulot ng pandemya.
Inaasahang sa susunod na linggo ay maipapasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Bayanihan 2 at posibleng sa susunod na buwan ay magiging ganap nang batas ito.