Inaasahang makalulusot na sa House joint committee ngayong linggo ang panukalang batas na nagsusulong sa ikatlong bayanihan law.
Ayon kay house ways and means committee chair Joey Salceda, sa nakuha niyang mensahe ay posible nang makalusot ang naturang panukala sa appropriations at economic affairs committee ng mababang kapulungan.
Matapos nito, inaasahan ding magiging handa na ang naturang panukala na maisalang sa plenaryo sa ika-17 ng Mayo oras na magbalik sesyon ang Kamara.
Mababatid na ibinaba ang pondo sa naturang Bayanihan 3 sa halagang P370-M sa dating bersyon ng Kamara ay nasa higit P400-M.
Balak namang humugot ng budget sa mga ‘obese’ na Government Owned and Controlled Corporations (GOCCS) maging sa iba pang tax measures para lang mapondohan ang naturang panukala.
Samantala, tiniyak naman ng chair ng appropriations committee ng Kamara na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para aprubahan ang panukalang Bayanihan 3.