Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Napagtibay ito sa Bicam matapos ang anim na araw na mga pagpupupulong upang mapagkasunduan ang ilang probisyon na nakapaloob sa nasabing panukala.
Tumutok din sa pagtalakay ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission at liderato ng Moro Islamic Liberation Front.
Inaasahang raratipikahan na ng Senado at Kamara ang final committee report sa Lunes, Hulyo 23 bago ang pagbubukas ng ikatlong sesyon ng 17th Congress.
Posibleng mapirmahan na rin ang final draft ng Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang maging batas ilang oras lamang bago ang nakatakdang State of the Nation Address o SONA.
Kapag tuluyang naisabatas, tatawagin na itong Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region.
WATCH: Senator Migz Zubiri and Congressman Rodolfo Fariñas on the passage of proposed BBL | via @blcb pic.twitter.com/guzqrvd4fz
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 18, 2018
Ayon naman kay Senator Sonny Angara, ang BBL ang natatanging hakbang para sa wakas ay magkaroon na ng katuparan ang layuning maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan para umusad ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro region na ilang dekada nang binabalot ng sigalot.—AR
—-