Malabo nang maipasa sa Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago matapos ang taon.
Paliwanag ni Zamboanga 1st District Representative Celso Lobregat, nasa period of interpellation pa lamang sila sa BBL.
Mahaba pa aniya ang proseso na dadaanan ng panukalang batas na ito lalo’t may ilang kongresista ang kumukwestyon sa ginawang pagtanggal at pag-amyenda sa ilang bahagi ng BBL.
Ayon kay Lobregat, hindi man maipasa ang BBL bago matapos ang taon, inaasahan naman anya ni House Speaker Sonny Belmonte na matatapos sa Miyerkules ang interpellation sa panukalang batas.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Congressman Celso Lobregat
Sa Lunes ay nakatakdang ipagtuloy ng Kamara ang interpelation sa BBL habang sa December 16 naman mag-ki-Christmas break ang mababang kapulungan.
By Jonathan Andal | Sapol ni Jarius Bondoc