Nakatanggap ng suporta sa Kongreso ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang lumalalang trapik sa Metro Manila.
Ayon kina Majority Leader Martin Romualdez at Batangas Rep. Raneo Abu, ini-endorso nila ang hirit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na pagkalooban ng special traffic-related authority ang presidente.
Para naman kay Romualdez, maituturing nang national emergency ang traffic congestion na nararanasan sa kalakhang Maynila na lubhang nakakaapekto sa ekonomiya at sa mamamayan.