Suportado ng Senado ang panukalang mabigyan ng otoridad si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mai-rightsize ang burukrasya ng pamahalaan.
Layunin nitong mabawasan ang gastos ng gobyerno, isang kumpaniya o organisasyon sa pamamagitan ng pag-alis o pagtanggal ng mga kawani sa kanilang posisyon kung kinakailangan.
Ayon kay Senator Loren Legarda, suportado niya ang proposal ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa naturang panukala para makatipid ang pamahalaan ng P14.8 billion kada taon.
Ayon kay Legarda, na una naring naghain ng kaparehong panukala noong 17th Congress, mayroong mga ahensya sa gobyerno na halos pare-pareho lang ang kanilang trabaho dahilan kaya hindi nagiging mabisa at epektibo ang serbisyo sa publiko.
Samantala, sang-ayon rin si Senator Sonny Angara sa pagbibigay ng power to rightsize kay PBBM bilang bahagi ng kanyang mandato.
Ayon kay Angara, bukod sa paglikha ng budget, trabaho rin ng pangulo na pangasiwaan ang human resources ng gobyerno.