Hiniling ni House Deputy Speaker Raneo Abu sa liderato ng Kamara na i prioritize ang pag apruba sa panukalang naglalayong bigyan ng ayuda ang asawa at mga anak ng mga mahistrado, hukom at iba pang opisyal ng hudikatura na napapatay dahil sa kanilang trabaho.
Kasunod na rin ito nang pananambang noong isang linggo kay Judge Mario Anacleto Baniez ng Tagudin, Ilocos Sur RTC.
Sinabi ni Abu na palagiang nariyan ang banta ng pag atake sa mga miyembro ng hudikatura dahil sa mga sensitibong kasong hinahawakan nila.
Batay sa House Bill 2088 ni Abu, tatanggap ng buwanang pensyon ang biyuda at mga anak ng napatay na huwes.
Batay sa record ng Amnesty International mula 1999 hanggang 2012, 22 huwes na ang napatay sa Pilipinas o dalawa kada taon.