Bukas ang China sa panukala ni incoming President Rodrigo Duterte na bilateral talks sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, maiging magkaroon muli ang bilateral talks ang Tsina at Pilipinas upang maplantsa ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
Umaasa anya sila na magiging mainit ang relasyon ng China lalo ni Chinese President Xi Jinping sa administrasyong Duterte.
Inaasahang ilalabas ng United Nations Arbitral Tribunal ang desisyon nito kaugnay sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China ngayong taon.
Bukod sa Pilipinas at Tsina, inaangkin din ng Malaysia, Taiwan, Vietnam at Brunei ang Spratly Islands.
By Drew Nacino