Lusot na sa Committee on Economic Affairs at Ways and Means ng Kamara ang panukalang naglalayong bumuo ng special economic zone at freeport sa Bulacan Airport.
Ayon kay Congressman Joey Salceda, Chairman ng House and Ways Committee, inihiwalay aniya nila ang panukala para sa pagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Corporation at sa itatayong economic zone sa naturang paliparan.
Paliwanag ni Salceda, ito’y para malinaw kung ano ang magiging papel ng freeport zone at ano ang maitutulong nito para sa pagpapa-angat ng ekonomiya ng ating bansa.
Samantala, ayon kay Congresswoman Sharon Garin ang prangkisa ay iginagawad sa pribadong indibidwal habang ang anumang tax rates na ibibigay sa franchise ay magkaiba.