Lusot na sa Kamara ang bill na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government.
Sa botong 162-10, inaprubahan ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7376 o “Act Strengthening the Office of the Solicitor General.”
Sa ilalim ng bill, ililipat na sa pamumuno ng Office of the Solicitor-General ang PCGG bilang bahagi ng government streamlining o pagpapabilis ng proseso ng mga transaksyon.
Ang PCGG ay nilikha ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1987 upang mabawi ang mga umano’y ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.