Nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ipinabatid na sa kanila ang petsa kung kailan sila magtutungo ng Malacañang para sa pagpirma ng Pangulo sa pambansang budget.
Sinabi ni Arroyo, sa ngayon ay inaayos na lamang ng Malacañang ang mga bahagi o probisyon sa panukalang budget na ibi-veto ni Pangulong Duterte.
Samantala, hindi pa rin tumitigil ang patutsadahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa nilalaman ng panukalang budget.
Sinalag ni Senate President Vicente Sotto III ang alegasyon ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya na sinasabotahe ng Senado ang mga proyektong pang-imprastrsaktura ng Pangulo nang galawin ang mahigit pitumpu’t limang (75) bilyong piso sa 2019 budget.
—-