Umaasa ang Malacañang na makalulusot sa senado ang panukalang 2016 proposed national budget bago matapos ang taong kasalukuyan.
Sa harap na rin ito ng posibleng pagtutol ng ilang mga senador sa ilang probisyong nakasaad sa nasabing panukala na nagkakahalaga ng mahigit P3 trilyong piso.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, mayroon hanggang Disyembre ang mga senador na siyang sapat na panahon para maipasa ang nasabing panukala.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Coloma na magiging maayos ang fiscal management ng bansa at hindi na kailangan ng reenactment budget.
Ipinaalala ni Coloma na mula noong 2011 hanggang 2015, naipasa ng Kongreso ang pambansang pondo sa takdang panahon kaya’t may nagagamit agad na sapat na pondo ang gobyerno pagsapit ng Enero 1 ng bawat taon.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)