Lusot na sa House Committee on Constitutional Amendments ang itinutulak na Charter Change o pag amyenda sa 1987 constitution.
Sa ilalim ng inaprubahang unnumbered resolution, ihahalal na bilang tandem o nasa iisang ticket ang presidente at bise-presidente.
Mula naman sa kasalukuyang anim na taon na may tig-tatlong termino ng mga senador, ay inaamyendahan na ito sa tatlong termino na may tig-limang taon na lamang.
Mapapalawig naman ang termino ng mga kongresista at mga local officials mula sa tatlong termino na may tig-tatlong taon ay gagawin na itong limang taon na may tig-tatlong termino.
Isinusulong din ang paghalal ng 27 senador o tig tatlo na magmumula sa bawat siyam na rehiyon sa bansa.
Inaamyendahan din ang economic provision sa saligang batas na naghihigpit sa foreign ownership sa pagsingit sa katagang “unless otherwise provided by law” na layong luwagan ang dayuhang pamumuhunan sa bansa.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments chairman Rufus Rodriguez, posibleng maisalang na ang cha-cha sa plenaryo sa susunod na linggo para umpisahan na ang deliberasyon dito —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7).