Sisimulan nang talakayin sa senado ang panukalang Charter Change (Cha-Cha) sa Miyerkules.
Ayon kay senate committee on constitutional amendments Chairman Sen. Kiko Pangilinan, pangunahing tutukan ay kung napapanahon ba ang Cha-Cha ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Dito kokonsultahin ang mga sektor na apektado ng panukalang pag-amyenda sa saligang batas.
Sisilipin din kung ang Cha-Cha ay dapat sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o sa paraaan ng constitutional convention (Con-Con).
Imbitado din sa pagdinig sa Miyerkules ang mga legal luminaries gaya nina dating Chief Justice Hilario Davide, dating Supreme Court Justice Vicente Mendoza at Atty. Christian Monsod.