Ibinabala ni Senator-elect Ping Lacson na mapanganib ang panawagan ni incoming President Rody Duterte sa publiko na tumulong sa pagsugpo sa mga hinihinalang nagtutulak ng illegal na droga.
Ayon kay Lacson, posibleng hindi na masunod ang batas at kaayusan o ‘law and order’ sakaling payagan ang mga sibilyan na tumulong o kaya’y pumatay ng mga drug lords.
Giit ng nagbabalik na senador, bagama’t pinapayagan ng batas ang citizen’s arrest, wala namang sapat na training ang mga sibilyan para tapatan ang mga kriminal.
Sinegundahan naman ito ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon sa pagsasabing hindi maaaring magsagawa ng pag-aresto ang isang sibilyan kung ito’y base lamang sa hinala na ang inaaresto ay isang drug dealer.
By Jelbert Perdez