Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang lilikha sa Coconut Industry Trust Fund.
Dalawandaan labing-anim na Kongresista ang bumoto pabor sa pagpasa ng House Bill 5745 pero kinontra ng pitong miyembro ng Makabayan Bloc.
Alinsunod sa bill, idedeposito ang inisyal na pondong aabot sa Sampung Bilyong Piso sa Bureau of Treasury na gagamitin sa loob ng dalawang taon matapos aprubahan ng Pangulo ang “coconut farmers and industry development plan.”
Layunin din ng panukala na lumikha ng Ad Hoc Committee na maglalatag ng plano, programa, proyekto at katibidad kada sampung taon na popondahan naman mula sa trust fund.
SMW: RPE