Inaprubahan na ng House Committee on the Welfare of Children ang panukalang pagkakaroon ng curfew sa mga menor de edad.
Sa ilalim ng Substitute Bill 894 ni Quezon Representative Angelina Tan, ipinagbabawal na ang paggala ng mga bata sa labas ng kanilang bahay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Layunin nito ang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan at ma-protektahan mula sa mga sindikato na posibleng gumamit sa kanila sa pagsasagawa ng krimen.
Nakasaad din sa nasabing panukala ang pagmumulta sa mga magulang at guardian ng mga mahuhuling lalabag sa curfew ng P500 hanggang P1,000 o pagsasagawa ng community service sa loob ng lima hanggang sampung araw.
—-