Tinutulan ng mga consumer group ang panukala ng Department of Health na buwisan ang mga maaalat na pagkain.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, pinuno ng Laban Konsumer Inc., hindi tamang idaan sa pagbubuwis sa mga maaalat na pagkain ang panghihikayat sa mga publiko na bumili ng masusustansyang pagkain.
Ani Dimagiba sa halip ay dapat paigtingin ang implementasyon ng Republic Act 8172 o Asin Law kung saan inaatasan ang mga manufacturer na tiyaking iodize salt ang ginagamit nila sa pagkain.
Dagdag pa ni Dimagiba, mas mainam rin kung ipaliliwanag ng mabuti ng DOH sa publiko ang masamang epekto sa kalusugan ng madalas na pagkain ng maaalat.
Ang posibleng lamang umanong maging epekto ng naturang panukala ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin.