Aprubado na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas para sa dagdag buwis sa sigarilyo.
Sa botong 20 – 0, nagkaisa ang mga senador na aprubahan ang Senate Bill 2233 na naglalayong itaas ang excise tax ng 45 hanggang 60 pesos kada pakete simula sa susunod na taon hanggang 2023 pagkatapos ay limang porsyentong dagdag naman pagpatak ng Enero 1,2024.
Mula sa makukuhang dagdag buwis sa sigarilyo ay popondohan nito ang implementasyon ng Universal Health Care Law.
Sa ngayon, pinamamadali na ang pagta transmit nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang makita at mapag aralan ng Kamara kung ito ay kanilang i-a-adapt para hindi na dumaan pa sa Bicameral Conference Committee.
Una nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukalang batas.
(with report from Cely Ortega- Bueno)