Target ng Senado na maipasa sa susunod na linggo ang panukalang batas na naglalayong magpapataas sa excise tax ng mga e-cigarette sa bansa.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III sa gitna ng panawagang i-regulate ang vaping sa Pilipinas.
Ayon kay Sotto, kailangan nang madaliin ang pagtalakay sa panukala para na rin sa mga taong gumagamit ng vape bilang alternatibo sa paninigarilyo.
Sa oras na maaprubahan umano ang panibagong sin tax sa mga e-cigarettes, maaari na lamang aniyang mapag usapan ang regulasyon ng vape.