Lusot na sa house committee on appropriations ang panukalang taasan ang social pension ng mga senior citizen.
Layon ng panukala na amyendahan ang Republic Act 9994 o expanded senior citizen act of 2010.
Sa oras na maging batas, asahang magiging P1,000 kada buwan ang social pension ng mga katandaan mula sa kasalukuyang P500.
Naniniwala si Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, isa sa may akda ng panukala na napapanahon ngayon ang social pension hike ng mga senior citizen dahil sa nararanasang pandemya.
Umaasa aniya silang makatutulong ito sa panggastos ng mga matatanda gaya ng pambili ng kanilang pagkain at gamot.