Kinontra ng isang historian ang panukala ni Senator elect Francis Tolentino na dagdagan ng isa pang star ang bandila ng Pilipinas.
Kumbinsido si Professor Xiao Chua na ayon sa kanya, maging ang iba pang historian at mga nasa academe.
Ayon kay Chua, nilikha ang bandila noong panahon ng rebolusyon kayat lahat ng mga bagay na inilagay sa ating watawat ay mayroong kaugnayan sa rebolusyon na bahagi ng ating kasaysayan.
Hindi na anya tutugma sa ating kasaysayan kung dadagdagan ito ng isa pang bituin para lamang maging representasyon ng Benham Rise.
“’Yung design na ‘yan ay may kinalaman sa kung ano ang Pilipinas at kung ano ang ambisyon nito noong panahon nina Aguinaldo at ang mga iba pang mga bayani natin. Luzon, Panay, Mindanao, ‘yan ‘yung tatlong bituin. Eventually mapapalitan ‘yung Panay, Visayas dahil nasama na ‘yung Visayas sa rebolusyon. Ang sinasabi natin ditto, kung lalagyan mo ‘yan ng Benham Rise, magiging historically inaccurate na yung representation. Kasi parang ‘yan ‘yung pagdadagdag ng ika-siyam na rays sa araw, e. Dahil ‘yung 8 rays ay representation ng walong lalawigan na nagdeklara ng Martial Law sa pagsisimula ng Philippine revolution,” giit ni Chua.